UNA
(essAy 4 onE of my FavoRite Subjects: RhetOriC)
Sa lahat ng mga pangyayari sa buhay, lahat ng una ang hinding-hindi ko makakalimutan. Unang pag-ibig, unang date, unang kahhiyan, unang karanasan. Ang mga sumunod sa mga unang pangyayaring iyon ay parang karaniwan nalang.
Unang pag-ibig.
Tahimik ang lahat, ako lang ang gumagawa ng ingay. Dumating ang grupo ng kanyang mga kaibigan. Napatingin ako sa kanya, hindi ko akalaing may “kilig” akong mararamdaman. Naging magulo ang lahat, ako naman ang tumahimik. Nakakapanibago. Naiilang akong magsalita kapag nasa paligid siya. Nakakahiya na baka may masabi akong makapagpa-turn-off sa kanaya. Hindi ko naman talaga sinasadyang mahulog sa kanya. Nagsimula lang iyon sa lokohan, asaran, tapos, ayun! Anak ng kalabaw! Ang una kong pag-ibig ang dahilan ng una ko ring pag-iyak.
Unang date.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, kung paano ko siya yayayain. Humingi pa ako ng tulong sa mga kaibigan niya para lang masabi ko ang gusto kong mangyari. Para lang hindi ako mapahiya, nanghingi pa ako ng pera para maging handa sa date naming. July 14, 2006. Alas-sais ng gabi. Starbucks. SM Mall of Asia. Naiihing-giniginaw ang nararamdaman ko habang inaantay ko siya. Lahat ng bagay sa loob ng pinag-aantayan kong kapehan ay napapansin ko. 6:00. 6:10. 6:15. Bawat minuto, nakakakaba. Natanggap ko ang text niya na nandoon na daw siya sa loob ng mall at papunta na sa lugar ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Takbo agad ako sa washroom, nag-ayos-ayos. Bwiset! Natataranta talaga ako noon! Umupo ako pabalik sa table ko nang parang walang nangyari. Nagpanggap pa akong parang hindi ko siya nakikitang paparating. Nagulat ako nang napatigil siya sa may guwardiya. Wheew. Tsinek lang pala yung bag niyang dala. Akala ko kung ano na. Habang lumalapit siya ay lumalakas ang kabog sa dibdib ko. Kung paano ko mapansin ang bawat galaw ng tao sa paligid, hindi niya alam. Syempre, nagsimula ang kuwentuhan sa walang kamatayang tanong na, “Kamusta?” At ayun, nagtuloy tuloy ang kwentuhan, ni hindi ko nga namalayan na ang librong binabasa ko habang inaantay ko siya ay nawawala na. Hinding-hindi ko makakalimutan ang amoy niya, fresh from work pa yun! Nagkapalagayan naman kami ng loob. Umalis kami sa lugar na iyon at pumunta ng arcade para makapaglaro. Para kaming mga batang tuwang-tuwa kapag may ticket na lumalabas sa makinang nilalaro namin. Nahihiya siya sa akin kasi lagi nalang may tumatawag sa cellphone niya. Ang kanyang linya sa tuwing may tumatawag? “Hello (pangalan ng tumatawag), What’s up?” Tandang-tanda ko pa yun! Pagkatapos noon, nanood kami ng sine, Pirates of the Caribbean. Maganda yung palabas. Okey na sana ang lahat kung hindi lang dahil sa popcorn na binili namin na walang asin. Pampasira ng ambiance. Nagulat ako pagkatapos ng pelikula. Nabubwisit siya kasi hindi daw niya ma-gets yung ending nung pinanood namin! Pero ayos lang, masaya naman daw siya, pagkatapos nun, matagal kaming nag-abang ng taxi (cab ang tawag niya sa taxi) sa may pilahan. Hinatid ko siya sa bahay nila sa may Greenhills sa San Juan. Doon na ako natulog. Nakakahiya. Ang mga sumunod na eksena ay para sa aming dalawa na lang. Hehehe.
Unang karanasan.
Isa pa sa mga “highlights” ng buhay ng kabataan ay ang una niyang karanasan. Iyong sa akin? Talagang HIGHLIGHT!! May group project kami noon sa school. Sa bahay nila kami gagawa. Hindi ko naman inaasahang mangyayari iyong ganoon. Umalis na ang ka-grupo namin ay nandoon pa ako. Sabi nila, sumabay na daw ako sa pag-uwi pero parang may pumipigil sa akin na umalis. Nanood muna kaming dalawa ng concert ng N*sync. Kuwentuhan, kulitan, basta! Nagtext pa ang ilang kasama namin kung nasaan na daw siya. Sabi nalang niya, kasama daw siya ng mga parents niya sa El Shaddai, pero ang totoo, nagpaiwan siya. Kasama ako. At ayun, imbes na sermon ni Bro. Mike ang pinapakinggan niya, ingay namin ang naririnig niya. Maginaw noon, palibhasa’y umuulan. Oo, aaminin ko, natakot ako noon. Hindi kasi ako handa sa mga posibleng mangyari. Pero, salamat kay batman! Wala namang ibang lumobo.
Lahat ng una, malungkot man o masaya, panigurado, hindi makakalimutan. Mananatili iyon sa isip. Kumbaga sa jeep, iyon ang gasolina, hindi ka makakaandar kung walang panimulang panggagalingan ng lakas. Lahat tayo ay may kani-kaniyang karanasan sa buhay, kaya ang mga bagay na nauna nang nangyari sa atin ang gawin nating tuntungan para maayos na ang mga pagkakamali, o di kaya’y mas gawing masaya pa ang mga susunod na mangyayari.